Screenshot 2019 04 24 12 56 07
IMAGE | Damaged ceilings Clark International Airport’s departure check-in area/Christian Yosores

Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na naka-biyahe na ang lahat ng flights sa Clark International Airport (CIA) na naka-schedule kahapon.

Ito’y kasabay ng muling pagbubukas ng paliparan matapos maapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol nitong Lunes.

Ayon sa DOTr nasa 1,510 na pasahero mula sa 11 flights kahapon ang naka-biyahe.

Ngayong araw naman, 13 flights na raw ang nakalipad bitbit ang nasa higit 1,800 na pasahero.

Samantala, nag-anunsyo na rin ang Philippine Airlines hinggil sa kanilang mga flights ngayong araw na lilipad mula CIA:

Clark- Antique- Clark
Clark-Caticlan-Clark
Clark- Cebu- Clark
Clark- Catarman- Clark
Clark- Bacolod- Clark
Clark- Basco-Clark
Clark- Busuanga-Clark
Clark-Cagayan de Oro-Clark
Clark- Siargao-Clark
Clark- Puerto Princesa-Clark
Clark- Davao- Clark
Clark- San Vicente- Clark
Clark- Tagbilaran (Panglao, Bohol) – Clark
Clark- Calbayog- Clark
Clark- Kalibo- Clark
Clark- Seoul (Incheon)-Clark