NAGA CITY- Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang ilang bahagi ng Camarines Sur kagabi.

Sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig pasado alas 8:36 Linggo ng gabi kung saan sentro nito ang Balatan, Camarines Sur at tectonic ang pinagmulan habang may lalim na 102 kilometers.

Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang mga aftershocks sa pagyanig.

Samantala, wala ring naitalang pinsala matapos ang naturang insidente.