Reading Time: 1 minute

Isinilang na ni Camille Prats ang pangatlong anak na nito.

Sa kaniyang social media post, makikita ang larawan ng malusog na baby boy habang ito ay nasa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Pinangalanan niya itong si Nolan Cristiano Prats Yambao na may bigat na 7.5 lbs.

Ito na ang pangalawang anak niya sa asawang si VJ Yambao na ang unang anak nila ni VJa ay si Nala na isinilang noong Setyembre 22, 2017.

Una ng ng may anak ang dating child actress sa pumanaw na asawang si Anthony Linsangan na si Nathan.