Bishop David
Bishop David/ FB post

Itinanggi ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na nakausap niya sina Senator Antonio Trillanes IV, at Peter Joemel Advincula o kilalang “Bikoy” na nasa video na nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga.

Sinabi ni David na isang kasinungalingan ang alegasyon ni Advincula dahil hindi pa nito nakakaharap ng personal si Senator Trillanes.

https://www.facebook.com/pablovirgilio.david/posts/10214117238182021

Binuweltahan na rin ni David ang PNP na dapat pagtuunan na lamang nila ng pansin ang mga nagaganap na patayan at iligal na droga sa bansa.

Reaksyon ito ng obispo sa naging pagbubunyag ni Advincula na nakipagpulong ito kay David kasama si Trillanes para pagplanuhan ang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.