CALIFORNIA, USA – Pumanaw na rin nitong weekend ang namaril sa kaniyang dalawang kamag-aral sa Santa Clarita High School nitong nakalipas na araw.

Ayon sa statement ng LA County Sheriff’s Department, ang suspek na si Nathaniel Tennosuke Berhow, 16, ay ginagamot sana bunsod ng tinamo nitong sugat sa ulo dahil sa pagbaril nito sa sarili.

Pero dahil sa tindi ng pinsala, hindi na ito naagapan ng mga manggagamot.

Una nang nasawi sina Gracie Muehlberger, 15, at Dominic Blackwell, 14, habang sugatan ang tatlong iba pa.