Reading Time: 1 minute

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng namatay sa plane crash sa Calamba, Laguna.

Pasado alas-11:00 kagabi nang personal na bumisita si Pangulong Duterte sa burol nina First Officer Lino Cruz III at Captain Jesus Hernandez sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City.

Kabilang sina Cruz at Hernandez sa siyam na biktima ng bumagsak na 11-seater medical evaluation plane na King AIR 350 nito lamang Setyembre 1.

Nangyari ang plane crash sa isang resort area sa Barangay Pansol kung saan nasugatan ang mag-inang caretakers ng resort.

Inihayag ni Sen. Bong Go na nag-abot si Pangulong Duterte ng tulong pinansyal sa pamilya.

Kakilala rin umano ni Pangulong Duterte ang may-ari ng eroplano dahil nagamit na rin niya ang isa sa mga eroplano nito sa kampanya noong 2016.