Nanguna ang Police Regional Office (PRO) 4-A o Calabarzon sa lahat ng mga police regional offices na may pinakamaraming naaaresto sa Project Double Barrel Reloaded.

Batay sa record ng PNP National Operations Center, 2,802 na ang mga naaresto sa anti drug operations.

Nasa 569 sa mga ito ay mula sa Calbarzon.

Pangalawa ang PRO 7 na nakabase sa Cebu na may 543.

Pangatlo ang Region 10 na nakabase sa Cagayan De Oro City na may 312.

Sumunod ang Region 3 na may 295 at NCRPO na may 265.

Samantala, umakyat na sa 42 ang mga napatay sa mga anti drug police operations.

Pinakamarami rito ay galing sa Region 3 na 23.

Lima naman ay mula sa PRO 7, apat sa Region 4-A.

Mayroon naman tig dalawa sa PRO 10 at ARMM.

Habang may tig-iisa naman ang PRO 1, 8, 9, 12 at 13.