BUTUAN CITY – Patuloy pa ang isinigawang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur upang makilala ang bumaril-patay sa isang CAFGU member at matumbok ang motibo nito.

Nakilala ang biktimang si Reynaldo Saratobias, 30, na aktibong miyembro ng Patrol Base sa ilalim ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army na nakabase sa Brgy. Kioya sa nasabing bayan.

Ayon kay Lt. Col. Francisco Molina, battalion commander ng 23rd IB, Philippine Army, inaantay pa nila ang resulta ng imbistigasyon ng Sibagat Municipal Police Station upang malaman ang kabuuang detalye ng insidente.

Inisyal na napag-alamang dalawang armadong lalaki umano ang lumapit sa naka-off duty na biktima habang nasa kanyang sakahan sabay baril dito na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.