-- Advertisements --
cropped CAAP logo

Pinapayuhan pa rin ang mga eroplano na huwag dumaan sa ibabaw ng bulkang Mayon, Taal at Kanlaon sa gitna ng mga panganib na dulot ng umiigting na volcanic activity.

Ito ay matapos na muling palawigin pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice To Airmen (NOTAM) hanggang mamayang alas-9 ng umaga ngayong araw, Hunyo 14.

Saklaw sa NOTAM ang surface na aabot ng hanggang 10,000 talampakan ng bulkang Mayon,Taal, at Kanlaon.

Pinapayuhan din ang mga piloto na iwasang mapalipad malapit sa tuktok ng mga bulkang ito dahil ang airborne ash at ballistic fragment mula sa mga pagsabog ay mapanganib para sa sasakyang panghimpapawid.

Samantala, nakasaad sa NOTAM ng CAAP na may “extent of volcanic ash cloud” ang naitala sa Bulkang Mayon na may taas na 10,000 talampakan bandang alas-9 ng umaga nitong nakalipas na araw.