Binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na nagbabasura sa kaso ni SPO2 Badawi Bakal.

Sa desisyon kasi ni QC RTC 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes noong 2019, nawala sa listahan ng mga akusado ang pangalan ni Bakal.

Pero sa paglilinaw ng huwes, sinabi nitong acquitted ang pulis, ngunit nagkamali lamang ng nailagay na pangalan.

Nagdulot ito ng kalituhan, kaya naglabas ng pasya ang appellate court hinggil dito.

Batay sa pagsusuri ng CA, nakitaan ng pagkakamali sa panig ng nagdesisyon huwes.

Kaya naman, nang makita ang “factual details” ng kaso, nagpasya ang hukuman na hatulan na dapat ma-convict si Bakal sa mga kasong kriminal.

Magugunitang mahigit 50 ang pinatay sa Maguindanao massacre, kung saan mahigit 30 sa mga biktima ay mula sa hanay ng media.