Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Ikinatuwa ng Sangguniang Kabataan (SK) Butuan City Federation matapos nitong mapabilang sa anim na local government units sa buong bansa na magsisilbing venue ng International Youth Day 2019.

Ayon kay SK Butuan City Federation President Engr. Wen Kok Chiang II, sesentro sa edukasyon ang tema ng isang araw na aktibidad dahil sa temang: “Transforming Education.”

Kasama ng grupo ang National Youth Commission na magpapaliwanag kung gaano kahalaga at mapapabuti pa ang edukasyon, environmental awareness, family awareness, at international awareness ng kabataan.

Maliban sa edukasyon, mayroon ding isinagawang workshop, seminar at training pati na ang itinurong mga inisyatibo at paglago sa innovation gaya ng Alternative Learning System (ALS) at mga programa ng Technical Education, Skills and Development Authority (TESDA).

Kasama sa tatalakayin pa ay ang pagkaka-isa ng sa kabataan nitong bansa sa mga bansang miyembro naman ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.