-- Advertisements --

Umapela ang pribadong sektor sa pamahalaan na ilagay ang National Capital Region sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 3 sa fourth quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, nananawagan ang pribadong sektor na i-downgrade ang alert level status sa NCR upang sa gayon ay makabawi man lang sila sa ngayong Christmas season.

Sa ngayon, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 4, kung saan pinapayagan na ang al fresco dining services sa mga restaurants at eateries pero sa 30 percent capacity lamang ng venue anuman ang vaccination status ng kanilang mga customers.

Sa kabilang dako, ang 10 percent seating capacity lamang ang pinapayagan para sa indoor dining, na limitado lamang para sa mga fully vaccinated na sa COVID-19.