Reading Time: 1 minute

NEWARK, N.J. – Nahatulan ng mahigit pitong taong pagkakakulong ang dating business manager ng singer-songwriter na si Ne-Yo dahil sa pandaraya.

Nakilala ang umano’y utak ng scheme na si Kevin Foster.

Nabatid na nahatulan si Foster dahil sa 16 na bilang ng fraud, money laundering at tax charges.

Ayon sa prosecutors ng Montclair, New Jersey, nakapag-invest ng $3.5 million ang suspek nang walang pahintulot mula sa singer.

Maliban kay Ne-Yo, nabiktima rin umano ng suspek ang isa pang kilalang singer na si Brian McKnight. (AP)