Paranaque bus jeepney terminal passengers PITX

Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na hindi papasukin sa Metro Manila ang mga provincial buses at jeepnesy dahil sa ipinapatupad na community quarantine.

Sinabi ni Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr. na lahat ng mga buses at jeep na galing sa probinsiya ay mananatili lamang sila sa labas ng Metro Manila.

Kailangang lumipat ang mga pasahero sa naghihintay na mga city buses at jeeps na papasok sa Metro Manila.

Ang mga nanggaling sa Northern Luzon ay hanggang Bocaue, Bulacan lamang habang ang mga nagmula sa southern Luzon ay hanggang Sta. Rosa sa Laguna.

Paglilinaw pa nila na dadaan lahat ang mga pasahero sa checkpoint kung saan susuriin ang kanilang temperatura para matiyak na wala silang sintomas ng coronavirus o COVID-19.

checkpoints bus terminal passengers