TACLOBAN CITY — Masuwerteng nakaligtas ang 17 pasaheros ng isang bus na nahulog sa isang bangin ilang minuto lang ang nakalipas matapos ang nangyaring lindol sa Barangay Obayan, Pinabacdao Samar.

Nakilala ang driver ng bus na si Luis Molobolo.

Ayon kay Patrolman Roel Arot, imbestigador ng Pinabacdao MPS, batay sa kwento ng driver na biyahe sila papuntang Tacloban ng dumulas ang kaniyang inamanehong bus at dumeretso sa isang bangin na may lalim na 4 feet.

Agad namang nakalabas ng bus ang mga pasahero na walang ni isang nasugatan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang naturang driver.