Dinala na sa pagamutan ang nasa 57 pasahero na sakay ng naaksidenteng bus sa Barangay Bagumbayan, Tanauan City, Batangas, matapos bumaliktad bandang ala-1:15 kaninang hapon.

Sa report na inilabas ni Region 4-A regional police director C/Supt. Guillermo Eleazar, binabaybay ng nasabing bus na minamaneho ng isang Joselito Nono ang expressway hanggang sa may nakita itong sasakyan na kaniya sanang iiwasan.

Gayunman, bigla na lamang umanong hindi gumana ang break nito kaya nawalan ng kontrol bus driver at naging dahilan sa pagbaliktad nito bago tuluyang nahulog sa kanal.

Batay sa ulat ng police provincial director ng Batangas kay C/Supt. Eleazar, walo mula sa 57 na pasahero ang naka-confine sa ospital.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa aksidente.