Sisimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapadeport o pagpapabalik ng mga dayuhang empleyado ng hindi lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kanilang bansa bukas, Oktubre 19.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla na ipinaabot sa kaniya ni BI Commissioner Norman G. Tansingco na nasa 5 o 6 na dayuhang POGO workers ang ipapadeport.
Sa ngayon, mayroon pang 400 foreign POGO workers ang nasa kustodiya na nakatakdang ipadeport. Kasalukuyang bina-validate din ng China ang pagkakakilanlan ng mga indibdiwal na nakatakdang ipadeport.
Samantala, ayon sa Justice chief pinag-aaralan na ng DOJ ang rekomendasyon ng BI sa pagbibigay ng amnestiya sa mga illegal aliens sa bansa .
Subalit kailangan aniya na maresolba ang problemang ito sa bansa hindi lamang sa POGO dahil maraming mga illegal aliens ang nananatili sa bansa na kailangang maitala ng maayos.
Binigyang diin din ng Justice chief na nagmimistulang gatasan ang mga illegal aliens kayat dapat ng matigil ang ganitong uri ng mistreatment sa mga dayuhan dito sa ating bansa.