Iniurong na ng 29-anyos na ginang ang kaniyang reklamong panggagahasa laban sa tatlong pulis sa lalawigan ng Bulacan.

Nagpadala ng mensahe ang buntis na ginang sa Bulacan PNP kung saan binabawi na raw nito ang kaniyang reklamo.

Ang nasabing mensahe ay binasa ng isang pulis na babae sa harap mismo ni PNP chief Ronald Dela Rosa nang magtungo ito sa Bulacan para komprontahin ang tatlong pulis.

Kahit binawi ng ginang ang reklamo, tuloy pa rin umano ang imbeatigasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) laban sa mga akusadong pulis.

Apela naman ni PNP chief sa biktima na makipagtulungan sa imbestigasyon at kung natatakot ito, maaari aniya siya dumiretso sa kaniya o sa IAS.