ILOILO CITY – Patay ang buntis at kasintahan nito matapos mabangga ng Sports Utility Vehicle ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Jibao-an, Pavia, Iloilo.
Ang mga biktima ay sina Gerald Jade Fuentebella, 29, residente ng Brgy. Tacas, Jaro, at ang kasintahan naman nito na si Ma. Leslie Grace Navarra, 31, residente ng Brgy. Cagbang, Oton.
Ang driver naman ang SUV ay si Marffy Reign Lagamo, 19, residente sang Brgy. Pandac, Pavia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PMajor Rolando Araño, hepe ng Pavia Municipal Police Station, sinabi nito na nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso si Lagamo.
Ito ay ang reckless imprudence resulting to homicide, damage to property at unintentional abortion dahil sa buntis anya ng dalawang buwan si Navarra.