Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY — Dead on arrival sa hospital ang isang bumbero matapos makuryente sa Poblacion, Dumangas, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Fire Officer 1 Denmark Ace Mayo, 31, kasado, residente ng Brgy. Bun-od, Cuartero, Capiz at na-assign sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Dumangas.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Master Sgt. Ronald Dominez , imbestigador ng Dumangas Municipal Police Station, sinabi nito na pumunta sa comfort room sa barracks ang biktima bago nag-charge ng cellphone.

Dahil basa ang kamay ng biktima, maaaring nakuryente ito dahilan ng kanyang pagkamatay.

Isinugod pa sa hospital ang bombero ngunit hindi na ito umabot ng buhay.