Reading Time: 1 minute
MAN OF THE WORLD
Man of the World

Nakuha ng isang modelo mula sa Bulgaria ang titulong 2019 Man of the World.

Si Daniel Georgiev, ang kauna-unahang Bulgarian na nakakuha ng nasabing titulo.

Nahigitan ni Gerogiev ang 30 iba pang mga contestant sa Philippine-based global title na ginanap sa San Juan.

Papalitan nito si Cao Xuan Tai ng Vietnam na nakakuha ng titulo noong nakaraang taon.

Nasa first runner up naman si Jin Kyi ng Korea, 2nd-runner up si Jean Fillippe Vitor Silva ng Brazil , 3rd runner up si Jurcak Jakub ng Czech Republic at 4th runner-up si John Paul Ocat ng Pilipinas.