Plano ngayon ng kasalukuyang administrasyon na baguhin ang ‘Build, Build,Build’ program.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, na may mga kaunting pagbabawas sa 75 flagship projects at papalitan ang iba ng mas madaling matapos na mga proyekto.

Nauna ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas modernong paliparan, pantalan, at mataas na economic growth para sa mahigit 107 milyon Filipino.

Ang nasabing pangako ay nagkaroon ng bahagyang pagbabago dahil sa bumaba ang growth target dahil sa pagkaantala ng budget ngayong taon.