-- Advertisements --

ILOILO CITY- Sinalanta ng buhawi ang dalawang barangay sa bayan ng Pototan, Iloilo.

Ito ay ang Brgy. Casalsagan at Cahaguican.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Jerry Bionat, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sinabi nito na hindi bababa sa 10 kabahayan ang nawasak sa pagtama ng nasabing buhawi.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Ito na ang pangalawang beses ng pananalasa ng buhawi matapos na tatlong barangay din na kinabibilangan ng Brgy. Pajo, Culob at Cansilayan ang tinamaan ng buhawi noong nakaraang linggo kung saan 26 na pamilya ang apektado.