Pinapalabas umano ng kampo ni Jennifer Laude na may pribilehiyo si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang naging pahayag ni Atty. Rowena Garcia-Flores, legal counsel ng kampo ni Pemberton sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines.
Paliwanag ng abogado, bago pa raw maisampa ang criminal complaint laban kay Pemberton ay dinampot na ito ng mga otoridad upang ikulong.
Kung kaya’t sa kalagitnaan ng preliminary investigation simula noong October 22, 2014 ay nasa Camp Aguinaldo na ito hanggang sa mag-issue ng resolution ang Department of Justice (DOJ) panel na mayroong probable cause laban sa akusado.
Sinubukan din aniya ni Pemberton na sumuko makaraang ilabas ang warrant of arrest ngunit hindi na niya ito nagawa dahil nakakulong na siya. Kung binigyan lamang daw ng korte ang nasabing US Marine ng mitigaBRP_ting circumstance of voluntary surrender ay posibleng mas mababa pa sa 10 taon ang magiging sentensya nito.
Kaugnay nito sinabi pa ni Atty Garcia-Flores na ang pribilehiyong ibinagy kay Pemberton upang ikulong sa Camp Aguinaldo ay nakapaloob umano sa VFA.
“So ngayon sa mga nagrereklamo po diyan kung bakit may agreement? Well, hindi niya dapat ibigay sa korte ang kaniyang mga opinyon, whether dapat magkaroon ng VFA or not eh sa Philippine Government po ‘yan,” saad ni Atty. Garcia-Flores.
“Yung tungkol naman doon sa computation ng BuCor tungkol sa good conduct, alam niyo po naaayon ‘yan sa good conduct time allowance (GCTA) law and ‘yan po ay applicable kahit sa mga foreigners,” dagdag pa ng abogado.
Tinaliwas din ng abogado ni Pemberton ang sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na base raw sa kanilang computation ay kulang pa ng 10 buwan ang pagkakakulong ng nasabing akusado.
“Yung BuCor po ang computation po nila ay 9 year mahigit at sabi nila na 10 months pa ang dapat i-serve ni Pemberton pero hindi tama ang sa BuCor at sila mismo ang umamin na hindi nila ma-compute lahat. Because at the time na sinerve nila sa korte ‘yung computation eh June pa lang po. So ‘yung kanilang computation ay up to May of this year lang so hindi pa po kabilang diyan ‘yung buong buwan ng June, July at August. ‘Yung tatlong buwan na ‘yun mayroon siyang GCTA diyan at actual time served,” ani Atty. Garcia-Flores.