Photo courtesy of NBA

Nasungkit ng Milwaukee Bucks ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa 128-118 paglampaso nila sa Los Angeles Clippers.

Tumabo ng 34 points at siyam na rebounds si Giannis Antetokounmpo para sa Bucks, bago lumala ang iniinda nitong ankle injury pagsapit ng fourth quarter.

Pinangunahan naman ni Khris Middleton ang Milwaukee sa pamamagitan ng kanyang season-high na 39 points, walong rebounds at limang assists.

Nagdagdag din si Eric Bledsoe ng 15 points, at si Sterling Brown ng 15 points.

Binuhat naman ni Shai Gilgeous-Alexander sa kanyang 21-point performance ang Clippers, na natuldukan na ang anim na sunod-sunod na panalo.