Nasungkit na rin ng Milwaukee Bucks ang isa pang playoff spot matapos na pahiyain ang Brooklyn Nets, 124-118.

Ginamit ng Bucks ang fourth quarter rally sa pangunguna ng NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo na umiskor ng 36 points upang masiguro ang ikalimang sunod na taon na pagpasok nila sa playoffs sa Eastern Conference.

Ito na ang ika-41 panalo ng Bucks ngayong season habang ang Brooklyn ay may 43 panalo na at una nang nakapasok sa NBA playoffs.

Dalawang beses na ring natalo ang Brooklyn ng Bucks sa loob lamang ng tatlong araw.

Kanina hindi rin umubra ang diskarte ng mga superstars ng Brooklyn na sina
Kyrie Irving na kumamada ng 38 points at si Kevin Durant na may 32 puntos.