Bumuslo ng 39 points at 16 rebounds si Giannis Antetokounmpo upang pamunuan ang Milwaukee Bucks tungo sa 113-101 win kontra sa Boston Celtics sa Game Four.

Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan ng Bucks upang makakuha ng ticket para sa kanilang unang Eastern Conference finals mula noong 2001.

Hindi rin nagpapigil sina George Hill na umiskor ng 15 points, maging sina Khris Middleton at Eric Bledsoe na kapwa may 15 points.

Sa hanay ng Celtics, hindi nagbunga ang 23 points at 10 assists ni Kyrie Irving, na inalat din sa 3-point line makaraang maglista lamang ng 1 of 7.

Babalik sa Milwaukee ang Game 5 na gaganapin sa Huwebes.