pacquiao buboy fernandez
Pacquiao and Fernandez in training

Magiging head coach pa rin ni Sen. Manny Pacquiao para sa nalalapit na laban nito kay Keith Thurman si Buboy Fernandez.

Sinabi ng fighting senator, hindi magiging hadlang sa boxing training nito ang pagkahalal na vice mayor ni Fernandez sa Polangui, Albay dahil sa Hulyo pa pormal na magsisimula ang trabaho nila.

Dagdag pa nito, sapat lamang ang panahon ng kanilang ensayo para sa July 20 na laban na magaganap sa Amerika.

Samantala, pag-uusapan na rin nila ni Buboy ang scheduling para hindi makaapekto sa kani-kanilang trabaho.