BTS
BTS/ IG POST

Inanunsiyo ng K-pop group na BTS na sila ay mamamahinga muna sa kanilang mga concerts at shows.

Isinagawa ang anunsiyo sa kanilang concert na ginanap sa Seoul, South Korea.

Ayon sa kanilang agency na Big Hit Entertainment, ang pitong miyembro ay sasailalim sa ilang pahinga at relaxation.

Pagkakataon din nila ito para ma-enjoy ang kanilang buhay habang nasa edad 20.

Ito ang unang beses na magpapahinga ang grupo mula ng magsimula silang sumikat noong taong 2013.

Hindi naman binanggit kung hanggang kailan ang pamamahinga ng grupo.

Maraming mga fans naman ang nagsabi na kaya sila mamamahinga ay dahil kallangang nila ng two years compulsory military service mula 18-anyos hanggang 28-anyos.

Nakatakdang mag-perform ang grupo sa Saudi Arabia sa Oktubre para sa kanilang world tour na “Love Yourself: Speak Yourself.”