Nanguna ang KPop group na BTS sa most tweeted ng mga Filipino ngayong 2019.

Sa listahan na inilabas ng Twitter Philippines, nanguna ang grupo na sinundan ng kapwa Kpop group na EXO.

Nasa pangatlong puwesto naman ang Kpop group na Blackpink na sinunda ng boy group na Seventeen.

Itinuturing din na Most Tweeted about K-pop Hashtags sa bansa ang #BTS.

Ang BTS o Bangtan Sonyeondan na ibig sabihin ay Bulletproof Boy Scouts ay sumikat noong nakaraang taon na siyang naging kauna-unahang K-pop group na nanguna sa charts sa US at Britain.

Sold out din ang concert tickets nila sa Los Angeles, Paris at London.