Nakatakdang maglabas ng bagong kanta ang K-pop group na BTS.

Ayon sa grupo, ilalabas nila ang nasabing bagong kanta sa darating na American Music Awards sa Nobyembre 22.

Nagbigay na rin ng pasaring management agency ng grupo sa kung ano ang aasahan sa bagong album ng grupo na “BE”.

Ilalabas ang nasabing album sa darating na Nobyembre 20.