Inanunsiyo ng sikat na Korean boy group na BTS ang kanilang world tour.

Sa kanilang social media post, makikita ang mga lugar kung saan gaganapin ang kanilang “Map of Soul” World tour.

Tanging Asian country na kasama sa nasabing tour ay ang Japan.

Mula Abril hanggang Setyembre ang nasabing tour na iikot sa US, Canada, United Kingdom, Spain at Japan.

Magsisimula ang kanilang tour sa Seoul, South Korea na gaganapin sa Olympic Stadium sa Abril 11.

Noong 2017 ay nagsagawa ng concert sa Pilipinas ang sikat na Korean boy band at noong 2018 ay tanging sila lamang na Korean boy band na nakapasok sa Billboard 200 music charts.