-- Advertisements --
Maigting na tinututukan ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang posibleng epekto ng nagpapatuloy na giyera sa Israel sa inflation sa ating bansa.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona, posibleng mayroong spillover effects sa pandaigdigang paglago ng ekonomiya ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng pwersa ng Israel at rebeldeng Hamas.
Subalit, sinabi ng BSP official na ang umiigting na tensiyon sa rehiyon ay hindi pa nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis at sa paghina ng halaga ng Philippine peso.
Pagdating naman sa agrikultura ng bansa, una ng sinabi ng Department of Agriculture (DA) na minimal lamang ang epekto sa produksiyon ng pagkain sa bansa.