Bumuhos sa mga online selling site ang mga iba’t-ibang souvenir items mula sa memorial service na isinagawa kay NBA Star Kobe Bryant.

Mula ng idinaos ang Bryant memorial program sa Staples Center nitong Lunes ay agad na ibinenta ng mga dumalo doon ang mga iba’t-ibang bagay.

Binubuo ito ng mga ticket stubs, program booklets, memorial pins, t-shirt at iba pa.

Inilagay ng mga sellers ang presyo mula $3,000 o P150,000 hanggang $5,000 o hanggang P250,000.

Magugunitang pinipili lamang ang mga personal na manonood sa event sa pamamagitan ng pagbubunot para makakuha sila ng tickets.