-- Advertisements --

Dumating na ng Pilipinas ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard na target gamitin ng pamahalaan para sa mga hakbang nito kontra COVID-19.

Nitong umaga nang dumaong sa Manila Bay mula Gitnang Silangan ang nasabing barko matapos i-deploy noon para tumulong sa repatriation ng mga Pilipinong naipit sa tensyon ng Amerika at Iran.

Ayon sa Coast Guard magsisilbing transporter ng medical supplies ang barko.

“Sa kasagsagan ng banta ng COVID-19, gagamitin ang barkong ito sa pagbibiyahe ng mga medical supplies, PPE, gamot, pati na rin mga frontliners tulad ng mga medical workers sa mga regional hospitals sa buong bansa.”

Magagamit din daw ito ng health workers na pupunta sa mga regional hospitals para magdeliver ng supplies gaya ng gamot at PPEs.

Bukod dito, handa rin ang PCG na ipagamit ang vessel bilang quarantine ship kung kakailanganin.