CAPAS, Tarlac – Hindi pa rin luhaan ang Philippine national swimming team sa huling araw ng aquatics event na ginaganap sa New Clark City, Capas Tarlac.

Nasungkit ng 23-anyos na si Luke Gebbie ang huling bronze medal para sa men’s 50m freestyle na may record time na 22.62 seconds.

Si Jonathan Tan ng Singapore ang nag-uwi ng gold medal (22.25 seconds) habang silver medal naman ang naiuwi ng isa pang swimmer mula Singapore na si Tzen Wei Teong (22.40 seconds).

Bigo naman ang men’s team ng Pilipinas na matapos ang kanilang 4×100 meter relay.
Ang nasabing koponan ay binubuo nina James Deiparine, Jarod Hatch, Luke Gebbie at Jerard Jacinto.

Ito ay dahil sa hindi sinasadyang pagkaka-tanggal ng swimming cap ni Hatch sa kalagitnaan ng kaniyang butterfly segment.