Nagpahayag na ng kahandaan si Adrien Broner sa muli nitong paglaban.

Nakatakda kasi nitong harapin ang undefeated boxer na si Jovanie Santiago sa daraing na Pebrero 20.

Ito ang unang laban ng 31-anyos na si Broner matapos ang dalawang taon na pamamahinga.

Sinabi nito na target n iyang maging 5-time world champion.

Huling laban nito ay noong Enero 2019 ng talunin siya ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.

-- Advertisement --

Magugunitang nahaharap sa ilang kaso ang US boxer gaya ng reklamong panggagahasa ng kababaihan at ang hindi pagbabayad ng mga inutang na alahas.

Inaresto pa ito at kinasuhan dahil sa pagmamaneho ng nakainom.

Dagdag pa nito na mayroon pang tatlo hanggang limang taon bago ito tuluyang magretiro sa boxing.