Reading Time: 1 minute
Hal Prince
Hal Prince

Pumanaw na ang sikat na Broadway director at producer na si Hal Prince sa edad 91.

Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang publicist.
Nalagutan ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Reykjavik, Iceland.

Nakilala ito sa kontribusyon niya sa Broadway musicals sa US.

Nakakuha ito ng 21 Tony Awards sa kaniyang buong buhay.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga sikat na artista at mga Broadway actors sa pagpanaw ni Prince.