Posible umanong magtakda na ng petsa si British Prime Minister Theresa May para sa kanyang pagbaba sa puwesto anumang araw ngayong linggo.

Una nang sinabi ni May na magbibitiw raw ito sa kanyang puwesto sakaling makalusot na sa Parliament ang kanyang Brexit deal, o ang pagkalas ng Britanya sa European Union (EU).

Ayon sa chairman ng 1922 Committee na si Sir Graham Brady, inaasahan daw nito na magkakaroon ng kalinawan sa timetable sa pakikipagpulong ni May sa komite sa araw ng Miyerkules.

Sinabi pa ni Brady, umaasa raw ito na unti-unti nang matatapos ang usapin sa Brexit sa Labour sa loob ng ilang araw.

Hindi naman isinasantabi ni Brady ang posibilidad ng pagtakbo bilang punong ministro kapalit ni May. (BBC)