-- Advertisements --

Utang umano ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang kaniyang buhay sa mga staff ng NHS na buong puso ang pagtulong sa kaniya para labanan ang coronavirus.

Pinasalamatan ni Johnson ang medical staff ng St. Thomas hospital sa London kung saan ito kasalukuyang naka-admit at nagpapagaling.

Sa kauna-unahang public statement ng 55-anyos na prime minister matapos itong ilabas sa intensive care unit (ICU), binigyang-pugay nito ang lahat ng frontliners na tumulong sa kaniya at hindi siya pinabayaan.

Samantala, patuloy ang panghihikayat ng mga ministers sa mga Briton na manatili lamang sa kanilang mga bahay habang ipinagdiriwang ang Easter Sunday para hindi na lalao pang kumalat ang nakamamatay na virus.

Inaasahan naman na lalampas sa 10,000 ang mamamatay sa Britanya dahil sa COVID-19.

Ito’y matapos makapagtala ng panibagong 917 death case sa UK dahilan para umabot na ng 9,875 ang kabuuang total ng mga namamatay sa naturang sakit.