-- Advertisements --

Nakapagtala ngayon ang Britain ng kabuuang 43,423 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa loob ng isang araw.

Base sa government statistics, ang total number ng mga covide cases na naitala noong Oktubre 10 hanggang 16 ay tumaas ng 12.8 percent mula sa nagdaang pitong araw.

Sa daily data, lumalabas din na 148 ang namatay .

Nasa 5.4 percent ang itinaas nito kumpara noong nakaraang linggo.

Sa ngayon, mahigit 8.36 million na ang total covid cases sa United Kingdom (UK) habang mahigit 138,000 naman ang mga namatay.

-- Advertisement --

Samatala, sa ngayon aabot na sa 45,325,489 ang mga fully vaccinated ng COVID-19 vaccine sa UK. (Reuters)