Reading Time: 1 minute

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng pagbabanta sa buhay matapos ipatigil ang illegal logging sa kanilang lugar ang barangay kapitan na napatay sa pananambang kagabi sa Bagabag, Sto. Tomas, Isabela.

Una nang kinilala ang biktima na si Barangay Kapitan Manuel Ramento ng Bubug, Sto. Tomas, Isabela, 40-anyos, habang nasugatan si Barangay Kagawad May Glenn Padre na nagmamaneho sa sasakyan.

Nasugatan naman sa kaliwang paa ang anim na taong gulang na batang babae habang mapalad na walang sugat ang kanyang ina na si Noimi Gumtang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Cpt. Mariano Manalo, hepe ng Sto. Tomas Police Station, na pangunahin nilang tinututukan sa kanilang imbestigasyon ang death threat kay Kapitan Ramento.

Iniimbestigahan din nila ang iba pang anggulo para matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.

Nakuha ng Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng pananambang ang 32 basyo ng bala ng M16 armalite rifle.

Susuriin din ng mga imbestigador ang dalawang cellphone ni Kapitan Ramento para magkaroon sila ng gabay sa pagpatay sa kanya