CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing itinanggi ng isang barangay kapitan na sangkot ito sa pagpaslang sa dalawang konsehal sa Dominorog, Talakag, Bukidnon.

Ito ay matapos itinuro si Dominorog Brgy Kapitan Judith Ocum ng tatlong testigo na umano’y nakipagsabwatan sa dalawang suspected hired killers para patayin sina Konsehal Mauricio Guinto at Kagawad Lorenzo Pedyaan habang naghihintaysa regular session nila noong Enero 20.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Ocum na hindi umano niya ito magagawa dahil kaanak niya mismo si Guinto at wala siyang anumang personal na isyu laban sa mga biktima.

Inihayag ni Ocum na nabigla na lamang daw ito na kabilang siya sa mga itinuturong suspek sa krimen. Aniya, sila pa ng kanyang katrabaho sa barangay ang nagsumbong sa militar at pulisya kaugnay sa nangyari.

Hindi naman kumbinsido si Talakag Police Station commander Capt Dominador Orate Jr dahil sumasalungat umano ang mga pahayag ni Ocum sa naging resulta ng imbestigasyon.

Una nang kinasuhan ni Orate ng “double trouble” si Ocum kasama ang tatlo nitong trabahante at maging suspected hired killers na sina Montano Samron at alyas Teng.