CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang barangay official sa naganap na pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Samama Samok, 58-anyos, barangay kagawad sa Rajamuda, bayan ng Pikit.

Ayon kay Pikit Chief of Police, Maj. Mautin Pangandigan, habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo mula sa kanyang tahanan patungong public market, bigla itong dinikitan ng riding in tandem at pinagbabaril gamit ang .45-caliber pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga namaril patungo sa liblib na lugar sa Pikit.

Naisugod pa ang biktima sa Cruzado Medical Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Personal na atraso o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.