CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatawan ng dalawang buwan o 60 days suspension ang incumbent punong barangay na si Marie Agonoy ng Barangay BaƱadero,Ozamiz City,Misamis Occidental.

Ito ay matapos nahaharap ng ilang reklamo mula sa mga benepesaryo ng Social Amelioration Program Fund ng DSWD si Agonoy kaya binigyan ng aksyon ng City Department Interior and Local Government at Ozamiz City Council.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni DILG City Director Edgel Vedra na nag-ugat ang reklamo mula isang paymaster na naghain ng administrative case laban kay Agonoy mayroong kaugnayan sa isinagawa na SAP distribution kung saan natuklasan na may nangyaring certificate falsification sa mga benepesaryo.

Inihayag ni Vedra nabulgar rin na mayroong ilang benepesaryo na gumagamit ng pangalan ng mga empleyado ng gobyerno makuha ang ayuda at mayroon ding serial number duplications ng SAP forms.

Natuklasan rin na ilang benepesaryo ang hindi nakatanggap ng SAP fund mula sa ilang barangay dahil kinuha na ng mga residente na nagmula sa BaƱadero.

Kaugnay nito,isinilbi ng DILG,Ozamiz City Council at PNP ang 60 days suspension laban Agonoy upang isailalim ito sa malaliman na imbestigasyon.

Una nang kinompirma ni DILG regional director Arnel Agabe sa panayam ng Bombo Radyo noon na nasa pitong barangay opisyales na ang nasampahan ng kaso at ilan sa mga ito ay nagmula sa Ozamiz City.