DILD EDUARDO ANO
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na positibo rin siya sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang mensahe, sinabi ng kalihim na simula noong Linggo, March 26, nang magpasailalim siya sa 14-day self quarantine matapos mabatid na nagkaroon ito ng contact sa apat na positive cases.

“Last March 26, after learning that 4 persons I had associated with tested positive for COVID-19, I started my 14 day self-quarantine. On March 27, I got tested. Today, March 31, I received the result from RITM informing me that I am positive for COVID-19.”

Wala naman daw nararamdamang sintomas at mabuti ang lagay ngayon ni Sec. Año kaya hindi umano dapat mangamba ang publiko.

“I make this announcement to call the attention of all persons I had close contact with to go on self-quarantine and observe any symptoms, in accordance with DOH guidelines.”

Sa ngayon ay itutuloy daw muna ng Interior secretary ang kanyang quarantine habang naka-work from home.

Nagpasalamat din ito sa mga nagpaabot ng dasal, at nagpaalala sa publiko na sundin ang mga protocol sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

“I am advising everyone to stay at home and follow social distancing. Your strong commitment will help defeat the virus. Thank you for your support, and God bless us all!”

Si Año ang kauna-unahang miyembro ng Duterte cabinet na nag-test positive sa COVID-19.

Kung maaalala, negatibo ang resulta ng test ni Health Sec. Francisco Duque III.