Nagpositibo sa coronavirus si Brazilian President Jair Bolsonaro.

Ito mismo ang inanunsiyo niya sa nationwide address.

Sinabi nito na nakaramdam siya ng mga sintomas ng COVID-19 kaya agad itong nagpasuri.

Nitong Martes ay sinabi ng kampo ng pangulo na umiinom ito ng hydorxychloroquine at azithromycin habang hinihintay ang ikaapat na COVID-19 test sa loob ng apat na buwan.

Pinayuhan niya ang mga mamamayan na huwag lumapit sa kaniya para hindi ito makahawa.

Pangalawa kasi ang Brazil na sinusundan ang US sa may pinakamaraming kaso na mayroong mahigit 65,000 na ang nasawi.