CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping and Action Team (BPAT) sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Teofilo Pugatorio Cainglez, 35, may asawa at residente ng Purok Nangka, Barangay Gumagadong, Calawag, Parang, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Parang PNP na habang on duty ang biktima sa kanilang outpost kasama pa ang isang BPAT nang matunugan nila ang dalawa katao sa gilid ng niyugan.

Nang lapitan ito ng biktima ay bigla siyang pinagbabaril ng mga suspek gamit ang M16 armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Barira, Maguindanao.

Patay on the spot Cainglez na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at nakaligtas naman ang kanyang kasama na nakatakbo patungo sa ligtas na lugar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Parang PNP sa pamamaril patay sa biktima.