Reading Time: 1 minute

Pinaplantsa na umano ang isang boxing match sa pagitan nina dating four-division champion Adrien Broner at dating featherweight champion Lee Selby na gaganapin ngayong taon.

Batay sa ulat, ilang mga detalye pa ang tinatalakay ng parehong panig, kabilang na ang timbang na kanilang paglalabanan at ang magiging venue.

Matatandaang huling tumungtong sa ibabaw ng ring ang 29-year-old na si Broner noong Enero kung saan natalo ito kay Pinoy legend Sen. Manny Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.

Habang si Selby naman ay huling nakipagbakbakan noong Pebrero nang magapi nito sa isang lightweight bout si Omar Douglas.

Kapwa nasa ilalim ni Al Haymon ng Premier Boxing Champions ang dalawang boksingero.