Amir Khan
Amir Kha

Sumailalim sa operasyon sa kaniyang kanang siko si British boxer Amir Khan.

Natamo ng 32-anyos na boksingero ang injury matapos ang pagkatalo niya kay WBO welterweight champion Terence Crawford.

Sa kaniyang social media, pinawi ni Khan ang pangamba ng kaniyang mga fans at sinabing babalik ito ng mas malakas pagkatapos ng hanggang isang buwan.

Bagamat wala pang napipiling makakalaban ay tiniyak nito na babalik ito sa boxing sa buwan ng Nobyembre.